Jermaine Endonilla Co

Hi Leanne Feliz Pastorpide! Kumusta n? Simula nung nakilala kita hindi na kita nakakalimutan at lagi ng naaalala. Leanne, salamat sa pagiging thoughtful mo at pagiging sweet. Salamat sa mga memories. Salamat sa respect and understanding. Thank you for letting me feel na somehow i am a good teacher. Basta thank you sa lahat lahat. Bless ako kc nging student kita. I wish you all the best and success in life. God bless you always. Keep smiling. The best ka! I love you lots. Surely i will miss you a lot.
Dear Ms. Co,
Natawa ako kasi ako po dapat yung unang magsasabi ng ganyan. Hindi ako sanay na yung ibang tao ang unang nagbibitaw ng mga salitaing ganyan pero napakaoverwhelming lang po malaman na ganyan ako sa’yo. Sobra ko pong naappreciate.
Nung grade 7 po, hindi ko alam kung suwerte ba kami o hindi dahil section lang namin ang handle mo. Sabi ko noon“unfair”, pero unfair nga talaga kasi lamang yung section namin dahil ikaw yung math teacher namin.
Nung grade 8 po, yung sinasabi mong misunderstanding natin, it was entirely my fault. Hindi ko po naintindihan yung sinabi mo. Hindi ko po naintindihan yung gusto mong iparating. Maybe it’s too late pero sorry po.
Nung grade 9 po, nung sinabi mong aalis ka na? Iyak na! Sobrang laki ng iginaan ng pakiramdam ko noong sinabi mo sa akin yung good news na hindi ka na muna aalis ng Sacred Heart College.
Nung grade 10 po, sobrang ipinalangin ko na sana maging adviser kita. Pakiramdam ko binigyan ako ng pangatlong pagkakataon para mas makilala pa po kita pero hindi talaga meant to be. Sobrang nanghinayang ako kasi ikaw dapat ang Calculus teacher namin. Ang tagal bago ako nakamove on na hindi na po kita math teacher.
Apat na taon. Salamat po dahil nandiyan ka sa apat na taon ng high school ko, nandiyan ka sa malulungkot at masasayang araw ko. Salamat po sa walang sawang paggabay at pakikinig sa akin, pati na rin po sa pagtitiwala sakin. Salamat po sa pagiging malaking bahagi ng high school ko. Mahal po kita at mamimiss kita ng sobra, sobra. You are the best adviser I, technically, never had.
-April 08, 2012
Rowena Dilay Llego

Dear Ms. Llego,
Salamat po sa pitong taon na paggabay sa akin. Salamat po dahil nandiyan ka para makiisa sa mga masasayang pangyayari sakin. Salamat po sa suporta na binigay mo sakin sa lahat ng mga bagay na sinubukan at pinasok ko. Salamat po dahil maging grade 4 man ako o grade 10, hinayaan niyo po akong maging parte ng mga taon mo sa Sacred Heart College.
Kahapon po, salamat sa pakikinig sa aking mga pagbabalik-tanaw. Hindi po ako magsasawang balikan kung paano ka nagalit nung may naghabulan ng itak sa classroom dahil sa sobrang pag-aalala mo sa amin. Tinuro mo po sa akin na ang dapat kagalitan ay ang masamang ginawa at pag-uugali ng tao at hindi yung tao mismo.
Hindi ko po alam kung ano ang mangyayari sa akin sa pagtungtong ko ng kolehiyo. Hindi ko po alam kung sa muling pagbalik ko sa SHC ay nandito pa kayo. Ang sigurado ko lang po ay kulang pa ang mga daliri ko sa kamay at paa para mabilang ang lahat ng mga pagbabagong mangyayari sa buhay ko. Pero hindi po magbabago ang katunayan na naging bahagi po ikaw ng paglaki at paglago ng maraming estudyanteng nakahalubilo mo, lalo na po ako. Maraming salamat po. Mamimiss po kita. <3
—April 13, 2012
Mary Jean R. Morales

“Mawala na ka’yo, huwag lang ang class record ko”
Dear Ms. Morales,
Masisisi mo po ba ako kung hindi ko malimutan yang linya na yan? Haha. Pero pasensya din po sa laki ng gulo na idinulot sa’yo ng 8-Modesty, batch 2009-2010.
Daig pa ng grade 8 ko ang ferris wheel sa perya sa sobrang daming pagtaas at pagbaba na naramdaman ko. Pero salamat po dahil kahit papaano, marami pa ring masayang ala-ala ang ibinigay niyo sakin ng Modesty.
Yung photo album po ba nasa’yo pa? Laking asar ko noon sa mga kaklase ko nung malaman kong nakita mo na yung mga pictures bago pa namin ibigay sa’yo. Haha. Surprise kasi tapos ganun yung nangyari. Effort ko po yun kaya ingatan mo ha? Eto na po yung letter kong long overdue.
Hindi ko po alam kung tanda mo pa pero salamat po ulit sa chicharon sa canteen at chili dynamite sa labas. Salamat din po dahil naniwala ka sa kakayahan ko sa pagsusulat. Salamat dahil sinubukan mong linangin ang kakayahan kong ‘to. Salamat po ng sobra-sobra sa paniniwala sakin. Mamimiss po kita.
—April 13, 2012
Ronualdo L. Revilla

Dear Teacher Rhon,
Maraming maraming salamat po sa dalawang taon na pagtuturo mo sa amin, Computer IX at Calculus X. Salamat po sa pagtuturo sa amin na pahalagahan ang bawat oras na lumilipas, na wala dapat oras na sinasayang, na dapat ay lagi tayong handa sa mga pagsubok na maaaring ibato sa atin, at kung magkamali man tayo ay dapat handa tayong harapin ang consequence na dala nito. Yan ang mga natutunan ko sa mga pagsusulit mong de oras.
Tanda mo po nung nanuod tayo ng ‘Hachiko: A Dog’s Story’ sa laptop mong naglag? Haha. Wala lang. Salamat po. Salamat din po kasi kahit papaano, nakakasulyap ako sa personal na buhay mo.
May nakapagsabi na po ba sa’yo na terror kang magalit? Grabe. Haha. Hindi ko alam ang pakiramdam kapag naging adviser kita pero kuntento na ko sa Teacher Rhon na nakilala ko sa LBED Computer Lab dalawang taon na ang nakakalipas. Mamimiss po kita.
—April 11, 2012
Jainee Salazar Buncha

Dear Jai,
Salamat sa anim na taong pagkakaibigan. Sino bang mag-aakala na yung babaeng sa unahan lagi ng classroom nakaupo nung grade 5 at laging naka ponytail ay magiging isa sa mga best friend ko? Haha. Salamat sa pagtitiwala sa akin sa kwento ng buhay mo, lalo na kapag may problema ka. Salamat sa mga pagkaing kinakain natin tuwing natambay sa bahay niyo. Salamat sa pagiging parte ng SHC years ko.
Hindi ko alam kung ano na ang narating ko kung hindi kita nakilala. Hindi pa siguro ako nakakarating ng Star City, nakakakain sa Star Tower, nakakapag jogging sa Pacific, nakakainom ng Blue Cocktail, at kung anu-ano pa. Salamat sa mga pa-experience.
Alam kong madami kang problemang hinarap, hinaharap, at haharapin pa, lalo na sa pamilya mo. Pero alam kong kaya mo pang maging matatag sa mga laban mo, nandiyan lang naman palagi Siya para tulungan ka. Wag kang susuko. Punks nga eh. Mamimiss kita. I love you.
Elaiza Mascariña Escasa

Dear Elaiza,
11 years. Salamat sa 11 years na pagsasama sa lungkot at ligaya, kabaliwan at katangahan, sa pag-aaral at kakirihan. Salamat dahil lagi kang nandiyan para sakin, para i-comfort ako pag malungkot ako, para itama ang mali ko. Salamat sa pang-unawa at sa mga payo. Salamat dahil ikaw ang best friend ko.
Marami na tayong napagdaanan at napag-awayan pero alam kong mas lamang ang pagkakaibigan natin sa kung ano mang bagay na magtatangkang sirain ang kung ano ang mayroon sa atin. Hindi isang away sa telepono o isang lalaki (o madaming lalaki) ang makakasira ng pagkakaibigan natin. At hindi pagkakaroon ng ibang barkada ang makapaghihiwalay sa atin. At alam kong kahit magkaiba na tayo ng landas na tatahakin, mananatili pa din ang pagkakaibigan natin.
Hindi ko lubos maisip kung paano ibabalangkas ang labing-isang taon sa kapirasong papel na ito, kung paano tayo nagsimula, nadagdagan at nabawasan ng mga kaibigan. Pati na rin ang pagiging GSP natin at mga summer adventure. Lalo na ang mga tingin kapag may gwapo sa paligid. Mamimiss ko ang mga walkathon at food trip natin. Mamimiss kita. I love you.
Vincent Stefan Panaligan Tiopianco

Dear Vincent,
Thank you. Thank you for the intelligent and not so intelligent conversations. Thank you for agreeing to disagree. Thank you for bearing with me because I know how moody I can get. Thank you for the gifts that never fail to bring a smile on my face, especially the puzzle. Above all, thank you for making me feel so special.
I don’t know what will happen years from now, but I want you to live your life to the fullest and make the best out of it, whether it includes me or not. You know very well that I can never give back the same amount of attention and affection you are giving me. You are more than what you think you are. And I know you deserve better. Someday, you’ll find someone.
As we part ways for college, I hope for you to become a good doctor. Play hard, study harder. Don’t always go with the flow if you know that it will bring unmanageable consequences. College is tough so you’ve got to be tougher. Take care and see you around.
ARMUND DEL MUNDO ARGUELLES

Dear Armund,
Maraming salamat sa apat na taong pagkakaibigan, sa apat na taong pag-intindi sa akin, sa pakikinig ng walang sawa sa mga kwento ko, at sa pagbibigay ng opinyon mo sa mga bagay-bagay. Salamat kasi tanggap mo ako — yung writer/blogger side ko, yung stalker side ko, yung adik side ko, yung malanding side ko, yung brutal side ko, yung emotional at preachy side ko.
Inabot ako ng ilang taon bago makuha ang tiwala mo. Hindi pa nga buo. Seryoso, ganun kahirap. Kinailangan pang umalis si Diannah at maging Journalist ako para makuha yung klase ng bonding at closeness na meron tayo ngayon. At thankful ako kasi you’re practically the best guy friend that I have.
Alam kong sabi mo ay gwapo ka pero dahil gentleman ka, lalo kang nagwapo. Haha. Huwag mong babaguhin yun sa’yo kasi ang pagiging gentleman mo ang best asset mo next to being a writer. “Wala na pong gentleman sa mundo, si Armund na lang.”
Good luck sa journey natin sa pagiging iskolar ng bayan. Maraming kailangang magbabago. Maraming kailangang pagdaanan. Pero huwag kang makakalimot na si God ay may nakalaang magandang plano para sa’yo. Mamimiss kita ng sobra.
P.S. Salamat sa banner
P.P.S. Dealer ng poker :))
P.P.P.S. Kitakits na lang sa Paris
Mark Nogoy Dimailig

Dear Sir Mark,
Dalawang taon. Dahil dalawang taon kitang naging guro, nakilala kita ng kahit kauntian. Natuto akong magtiwala sa’yo. Natuto akong magpagabay sa’yo. Natuto akong makipagkaibigan sa’yo.
Salamat po sa dalawang taon na pagtuturo na puno ng pasensya at pang-unawa. Salamat sa linggo-linggong journal activity na puro pag-iisip at pagtatatanto. Salamat dahil (para sakin) napadali mo ang pag-aaral ng Trigonometry at Advance Algebra, pati na rin ang paggawa ng thesis.
Hinding-hindi ko po makakalimutan ang ginawa mo para sa amin sa JOY award (gets? haha). Salamat po dahil naintindihan mo yung mga sentimiyento namin at dahil patas ang naging pagtingin mo sa sitwasyon.
Alam ko pong marami kang pinagdadaanan sa buhay, lantad man o tago. Pero sana po ay mas tibayan mo pa ang loob mo, alam kong mahal ka ng Diyos. Wag ka lang makakalimot.
Maraming opinyon ang mga tao tungkol sa’yo pero iisa lang ang sigurado ko, mahal ko ang Sir Mark na nakilala ko. Mamimiss po kita.
P.S. Miraculous Medal :))
P.P.S. Solicitation :))
P.P.P.S. Kelan ang kasal? :))
P.P.P.P.S. Solve. :))
Kristiane Mae Espiritu Aureada


Dear Maam Idol,
After all these years, I will never forget that moment when a beautiful, newly-graduated teacher first came inside my first classroom in high school and first spoke with authority.
Thank you for teaching me things I’ll never learn inside the four corners of the classroom. Thank you for being there whenever I need someone to lean on to. Thank you for being that someone who listens to my never-ending worries, failures, and achievements. Thank you simply because you allowed me to be a part of your life.
I admire you so much for keeping your values and principles intact, for staying a Maria Clara when almost everyone around you adapted quickly to society’s modern expectations.
I’d like you to know that you are one of the greatest persons I had ever met. You are not just a teacher by profession, you are a teacher of life. You truly are one of life’s greatest blessings to me.
I hope you do not stop from where you are now. I dream of you influencing more than 300 students a year. I have high hopes for you too. I hope our paths will cross again someday, somehow. I will surely be missing you. I love you.
P.S. Que sera, sera
P.P.S. First impression is lasting
