Stalker ka ba? Ang dami mo kasing alam…
Para sa mga taong nang-iistalk ng tumblog ko, please lang, what’s on my blog stays on my blog (unless na ako mismo yung magbring up sa’yo tungkol dito).
Ang swerte mo nga kasi may instant access ka sa mga lihim ko at sa buhay ko pero kahit kelan, ako lang ang nakakaalam ng buong kwento ng bawat post ko — yung naramdaman ko, yung dahilan kung bakit ko pinost, yung mga inside jokes at confidential conversations. Lahat yun ay parang puzzle na ako lang talaga ang makakabuo. Maaaring nandun ka sa mga pangyayaring yun o kaya naman ay nkita mo yung mga pinag-usapan namin pero hindi ikaw yung nakaramdam at hindi ikaw yung kausap. Hindi ikaw. AT. Sino ka para ipagkalat ang mga saloobin ko? Ikaw ba ako? Hindi naman diba? Kaya please lang.
Sabi nga ng mga teacher “Sakin kayo magtanong, huwag sa mga katabi niyo.”
Ang pag-aassume ay masama; ito ay nakakasakit at nakakapahiya.
Source: originalamateur
